Tatsulok ni Bamboo
Ang masasabi ko sa kantang tatsulok ng Bamboo na aking pinakinggan ay maganda ang kahulugan sapagkat talagang pinapakita rito ang tunay na kalagayan ng ating lipunan. Tulad ng lyrics sa bandang chorus na “habang may tatsulok at sila ay nasa tuktok hindi matatapos itong gulo”. Ipinahihiwatig dito na habang may tatsulok at ang mga mayayaman o may kapangyarihan ay nasa itaas dahil kahit na tama ang mahihirap ay palagi silang nasa ibaba sapagkat wala silang pera o kapangyarihan hindi tulad ng mga mayayaman o may mga kapangyarihan na lagi silang priority dahil sila ay makapangyarihan at nakatataas sila. Ika nga nila, “may kapangyarihan kapag may pera” at sabi pa sa kanta ay “ang hustisya ay para lang sa mayaman”. Totoo un sapagkat mayroong mga pangyayari na nagaganap na ang mayaman ay nakagawa ng isang krimen sa isang mahirap at nang dahil sa may pera o kapangyarihan ang mayaman, magagawa nya nalang bayaran ang nakagawan nya ng kasalanan upang itigil ang kaso.
Napakaganda ng awitin at ang ibig sabihin nito sa ating bansaat totoo lahat iyon. Ito lang ang aking masasabi sa awiting ito.
Tuesday, September 1, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)